Paano masasabing Bagong Bayani ang mga migranteng manggagawa o overseas workers?
Di ba ang meaning ng bayani ay mga heroes na namatay para sa bayan,gumagawa ng kadakilaan para sa bayan tulad ng paglilingkod dito upang umanagat ang kamalayan at kalagayan ng sambayanan.
Eh ang mga ofws ay mga nagtrabaho sa abroad dahil sa ibat ibang dahilan...nariyan ang wala daw available jobs sa bayan natin kaya nag abroad, maliit ang sweldo sa bayan natin, nag migrate na sa ibang bayan dahil ang buong pamilya ay nasa abroad, atbp.
Bagong bayani ba silang matatawag dahil sa mga na reremit nilang pera dito sa bayan?
1 comment:
Maaari mang may iba silang dahilan. Maaaring para lamang sa kanilang pamilya--isang napakaliit na dibisyon ng lipunan--ang kanilang ginagawang sakripisyo sa ibang bansa. Pero ang mahalaga, may ginagawa pa rin ang mga OFW para hindi makadagdag ang kanilang pamilya sa magiging pabigat sa lipunan. Bawat pamilya na makakaangat o makakaluwag ay malaking hakbang na para sa ating lipunan.
Post a Comment